Kay Jesus na pag-ibig, Ay aking aawitin; Nilisan N'ya ang langit, Namatay dahil sa 'kin.
REFRAIN
Kay Jesus na pag-ibig Ay aking aawitin; Namatay S'ya't nagsakit Sa pag-ibig sa akin.
Nauna nang lumuha Si Jesus kaysa akin; At maging sa dalangin, Una rin Siyang tambing.
Pag-ibig na kaylalim! Kay hirap na isiping Sala kong maiitim Kanyang papuputiin.
Sa Kanya ako'y walang Nagawang kabutihan; Pangino'n 'Yong tulungang Pagibig ko'y mamasdan.